How to cook Pork Sinigang with feelings

Sinigang is one of my favorite pinoy dishes. The hot sour soup and malambot na taba is perfect anytime of the day - especially when cooked and served with feelings.
Photo not mine. (c) to owner.
Ihanda ang mga sangkap. Ganon naman dapat tayo - laging handa sa mga dadating na pagsubok sa buhay.
Painitin ang kawali. Dapat kasing init nito ang ulo mo ng nalaman mong hindi lang pala ikaw ang nasa puso nya. Tanggapin ang katotohanan na manloloko sya.
Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Gisahing mabuti, yung tipong gisang gisa. Bagay na nararapat na gawin sa mga panloloko na ginawa nya.
Ilagay ang baboy at pakuluin ng ilang minuto.
Buhusan ng tubig. Bagay na dapat dati mo ng ginawa sa sarili mo upang magising sa katotohanan na hindi lang pala ikaw ang pinaikot, binola, sinaktan at binaliwala nya. Hayop sya. Mga ten times ganon.
Pakuluin ito tulad ng pagkulo ng dugo mo ng malaman mong may iba pala syang ka text. Kunwari office mate nya pero iba na pala.
Maghintay hanggang maluto ang karne. Kaya mo yan. Yung paghihintay mo nga sa kanya sa mall sa mga dahilan na traffic o kung ano man eh nagawa mo, eto pa kayang paghihintay na maluto ang karne.
Kapag luto na ang karne, ibuhos ang ibang sangkap. Timplahin ayon sa panlasa. Hindi yung tatanggapin mo na lang kahit wala sa loob mo. Wag kang magpaka tanga.
Magsalin sa lalagyan at ibuhos sa kanya ang mainit na sabaw nito. Murahin mo sya. Putang ina nya ganon. Tarandato sya. Tangina nya manloloko sya. Nasan ang poreber. Nasan ang hustisya.
Wag mag sorry sa ginawa mo sa kanya. Sa panloloko ba nya nag sorry syang hayop sya? Eh ang kapal pala ng pagmumuka nya eh.
Magluto ng ibang potahe. Tumikim ng iba. Mag move on.
Sarap diba?

Comments

  1. Ayun pala! I just realised I have been cooking Sinigang the wrong way! salamat and more updates haha!

    ReplyDelete
  2. Hahahahahahahha!! Grabe ka sir Andrei! Thumbs up! May recipe ka po ba ng tinolang manok with feelings?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Thanks for visiting. Wala pa po pero I'll post po pag meron na. Haha!

      Delete
  3. Ay! Haha! Galing! More than just travel hugot blog haha! Salute sir sa creative mong utak :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Jeyk! Thank you ;) I'm glad you liked it! Hehe!

      Delete
  4. Panalo Sir hehehehehe....Adventure is out there. Travel changes you.

    ReplyDelete

Post a Comment