NGITI

Mahirap ngumiti sa gitna ng sakit na nararamdaman…pero kaya. Kayang kaya.
Siguro sa buhay, kailangan mo lang talaga masampal ng katotohanan para ka matauhan. Masakit na marinig mo sa isang tao na “ang unattractive mo na”, lalo na kung maririnig mo ‘to sa taong mahal mo.
Tangina lang, no?
Pero isa rin pala ‘to sa mga bagay na makakapag-patibay sayo. Isa ito sa mga bagay na gigising sa diwa mo para magbago. Siguro huli na ang lahat. Siguro wala ng pag-asa. Siguro wala ng chance para maibalik ang nakaraan.
Eh ano?
Marami pa namang chances jan para sayo. Hindi mo mapapansin pero nanjan lang sila. Mas magandang chance pa ang dadating sayo.
Yang sakit na nararamdaman ng puso mo? Normal yan. Tao ka, eh. May karapatan kang masaktan. Gamitin mo na lang yang “sakit” na yan para mas mapabuti mo ang sarili mo. Kahit hindi mo na ipakita sa ibang tao - ipakita mo na lang sayo na kayang kaya mo.
Sabi nga nila, ang problema, dadaan at dadaan yan sa buhay ng tao. Daanan mo lang, wag mong istambayan. Mahirap daw ngumiti sa gitna ng sakit na nararamdaman…
Pero kaya..
Kayang kaya.
Comments
Post a Comment