NAISIP KO LANG

Sabi nila, pag nagmahal ka daw, wag mong ibigay ang lahat.

Magtira ka daw para sa sarili mo.

Para pag nasaktan ka, may babalikan ka. Hindi mo na kailangan pumunta sa Baguio para gayahin si Mace ng That Thing Called Tadhana. Hindi mo na kailangan hanapin ang sarili mo. Hindi mo na kailangan mag soul searching kuno.

Pano ba mag mahal ng hindi binibigay ang lahat? Ang hirap naman yata nun. Pano ba mag tira para sa sarili?

Pano yung mga pangako na, “ibibigay ko ang lahat sayo,” or “lahat gagawin ko para sayo.” Ano yung mga yun? Mema? Memasabi lang?

Sabi nila, pag nagmahal ka daw, wag mong ibigay ang lahat.

Pano ba yun?

Comments

  1. Pag nagmahal ka, ibigay mo ang lahat. Gawin mo ang lahat. Para sa huli di ka mababaliw kakaisip kung san ka nagkulang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano ba talaga ang dapat? Binigay ko naman lahat na halos wala ng natira sakin pero ganon pa rin. Iniwan pa rin ako.

      Delete
    2. di lang sya nakuntento.

      Delete
    3. Hindi ko na lang iniisip yun, Anon. Basta ako ngayon masaya naman ako :)

      Delete

Post a Comment