How to cook Pork Sinigang with feelings
Sinigang is one of my favorite pinoy dishes. The hot sour soup and malambot na taba is perfect anytime of the day - especially when cooked and served with feelings. Photo not mine. (c) to owner. Ihanda ang mga sangkap. Ganon naman dapat tayo - laging handa sa mga dadating na pagsubok sa buhay. Painitin ang kawali. Dapat kasing init nito ang ulo mo ng nalaman mong hindi lang pala ikaw ang nasa puso nya. Tanggapin ang katotohanan na manloloko sya. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Gisahing mabuti, yung tipong gisang gisa. Bagay na nararapat na gawin sa mga panloloko na ginawa nya. Ilagay ang baboy at pakuluin ng ilang minuto. Buhusan ng tubig. Bagay na dapat dati mo ng ginawa sa sarili mo upang magising sa katotohanan na hindi lang pala ikaw ang pinaikot, binola, sinaktan at binaliwala nya. Hayop sya. Mga ten times ganon. Pakuluin ito tulad ng pagkulo ng dugo mo ng malaman mong may iba pala syang ka text. Kunwari office mate nya pero iba na pala. Maghintay hanggang maluto ang karne. ...